--Ads--

Arestado ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng isang mountain bike sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Ang suspek ay itinago sa alyas na Ian, 23 taong gulang, binata, stay-in helper, at residente ng Brgy. Bagong Sikat, San Lorenzo South, Cauayan City. Ang biktima naman ay kinilalang si PMSgt. Antonio Bigayvan, 34 taong gulang, kasalukuyang nakatalaga sa Cauayan City Police Station at residente rin ng Brgy. San Fermin.

Ayon sa ulat, natuklasang nawawala ang itim at dilaw na mountain bike ng biktima bandang alas-1:50 ng madaling araw. Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, at sa tulong ng mga nakasaksi ay natukoy na si alyas Ian ang huling nakitang nagmamaneho ng naturang bisikleta.

Sa isinagawang follow-up operation, natunton at naaresto ng mga pulis ang suspek. Narekober rin ang ninakaw na bisikleta mula sa kanyang posisyon.

--Ads--

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station si alyas Ian habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng insidente.