Isinagawa ngayong araw ang oath taking ceremony ng Company Advisory Council ng 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB 2) sa Macalauat, Angadanan Isabela.
Naging bahagi nito ang Bombo Radyo Cauayan bilang kinatawan ng media.
May representantes din mula sa iba’t ibang sector kabilang sa sektor ng edukasyon kasama ang Isabela State University Angadanan Campus at College of Criminal Justice Education-ISU Angadanan,Youth sector,Retired Police Officers, Religious sector, Business sector at public officials, Health sector,LGBTQ sector maging legal sector.
Kung matatandaan nagkaroon ng turn over ceremony sa bagong pamunuan ng 205th Maneuver Company mula sa liderato ni PCpt. Macky Matbagan patungo sa bagong pamumuno ni PCpt.Jayfer Pugong noong Sept. 26,2025
Sa kaniyang talumpati inihayag ni Dr. Benjamin Bulawit Jr. ang Chairman ng CAC ang tungkulin ng bawat sector na miyembro ng CAC para sa mga hangarin ng 205th Maneuver company.
Tinalakay din ang ilang mga proposedprograms kabilang ang pagsasagawa ng lectures maykaugnay sa Anti-terrorism sa mga University and Colleges bilang bahagi ng kanilang Internal Security Operations.
Plano din niya na bumalangkas ng mga programa o proyekto na magsisilbing best practice ng kumpaniya.






