--Ads--

Magsisimula na sa Lunes, October 20 ang pagpapatuloy ng voters registration para sa mga boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa susunod na taon. Magtatagal ito hanggang sa May 18, 2026.

Sakop ng muling pagbubukas ng voters registration ay ang reactivation, transfer of registration at ang pagpapayo sa mga impormasyong nakapaloob dito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leth Badua, ang Election Assistant II ng COMELEC Cauayan City, mas mahaba-habang panahon ang inilaan ngayon para sigurong maka-cater ang lahat na mga mamamayan na nais magpa-rehistro.

Aniya magbubukas ang COMELEC Offices mula sabado dakong alas otso hanggang alas singko at maging sa mga holidays, liban na lamang sa paparating na all souls day.

--Ads--

Magsasagawa rin ng register and re-program o tinatawag na satellite schedule ang opisina sa iba’t-ibang lugar sa lungsod upang marating ang mga residenteng malayo sa kanilang tanggapan.

Wala namang naging pagbabago sa mga qualifications at requirements na kailangang dalhin ng mga mamamayan, kundi tanging valid ID lamang na nagpapatunay na sila ang nagpaparehistro.

Samantala, hinihikayat din ng opisana ang mga kababayan na samantalahin ang pagkakataon, bagaman mahaba-haba ang pagbubukas ng voters registration. Umaasa ang opisina na laaht ng kababayan lalo na ang mga hindi pa nakapa-rehistro nitong nakaraang binuksan ang regitration na magtutungo na ngayon at sasamantalahin ang pagkakataon na makapg-parehistro.