--Ads--

Dalawang katao ang nasawi matapos sumadsad sa dagat ang isang cargo plane  habang lumalapag sa Hong Kong International Airport noong Lunes, Oktubre 20, ayon sa pamunuan ng paliparan.

Ayon sa ulat, ang eroplano na lumipad mula Dubai ay lumihis sa runway at tuluyang bumagsak sa bahagi ng dagat.

Dahil dito ay pansamantala munang isinara ang northern runway ng paliparan habang nananatiling bukas ang south at central runways upang ipagpatuloy ang operasyon.

Naganap ang insidente bandang 3:50 kaninang madaling-araw.

--Ads--

Kinumpirma ng Hong Kong International Airport na ang naturang eroplano ay may flight number ng Emirates, bagaman hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kumpanya hinggil sa pangyayari.

Ayon pa sa ulat ng local media na tumukoy sa pahayag ng pulisya, apat na crew members naman ng eroplano ang nasagip samatalang dalawang katao na sakay ng ground vehicle malapit sa runway na pinaniniwalaang tinamaan ng eroplano ang nasawi.