Higit dalawampung mga tuloy sa Lambak ng Cagayan ang hindi madaanan ngayon dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alvin Ayson ang tagapagsalita ng OCD Region 2, sinabi niya na sa kanilang monitoring walang naitalang matinding pinsala sa pananalasa ng Bagyong Ramil kahit na kabilang ang Southern Isabela sa mga isinailalim ng Tropical Cyclone wind Signal.
Sa ngayon nasa 41 pamilya o 133 katao mula sa pitong Barangay ang inilikas, pinakamarami ang mula sa Divilacan at Diffun Quirino.
Kanselado narin ang pasok mula Pre-school hanggang Tertiary level dahil sa sama ng panahon.
Dahil sa pag-ulan limang daan ang hindi madaanan dalawa mula sa Quirino, Dalawa sa Nueva Vizcaya at isa sa Isabela habang may 28 na tulay ang “Impassable” dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog.
Minomonitor nila ngayon ang pagtaas ng antas ng tubig sa Buntun bridge na kasalukuyang nasa 6.2 meters aabove sea level.










