--Ads--

Nahalal bilang unang babaeng punong ministro ng Japan si Sanae Takaichi ngayong martes na nagtala ng makasaysayang tagumpay para sa mga kababaihan sa bansang matagal nang pinamumunuan ng mga kalalakihan.

Si Takaichi na tagasuporta ni dating Prime Minister Shinzo Abe ay nakakuha ng 237 na boto sa halalan ng mababang kapulungan na lagpas sa mayorya ng 465-seating chamber upang hirangin bilang susunod na lider ng Japan .

Ang kanyang pagkapanalo ay naganap matapos makipagkasundo ang kanyang Liberal Democratic Party o LDP sa Japan Innovation Party o Ishin.

Sa pagharap ng Japan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos ang mahabang panahon ng deflation, tumitindi ang galit ng publiko at lumalakas ang suporta sa mga oposisyong partido kabilang na ang mga grupong far-right.

--Ads--

Katulad ni Abe inaasahang itutulak ni Takaichi ang malawakang paggasta ng gobyerno upang pasiglahin ang humihina ng ekonomiya ng kanilang bansa.

Gayunman may pangamba ang ilang mamumuhunan sa kakayahan ng gobyerno na tustusan ang naturang paggastos, lalo’t mas mataas pa rin ang utang ng bansa kaysa sa taunang kabuuang produksyon nito

Ayon kay Tadashi Mori, isang political professor sa Aichi Gakuin University may sapat na boto si Takaichi upang mahalal ngunit kakailanganin niya ang suporta ng iba pang mambabatas upang maging matatag ang kanyang pamahalaan.

Si Takaichi ay inaprubahan din ng upper house at pormal na manunumpa bilang ika-104 na punong ministro ng Japan ngayong Martes ng gabi, kapalit ni Shigeru Ishiba na nagbitiw noong nakaraang buwan matapos akuin ang pananagutan sa pagkatalo ng kanyang partido sa halalan.