Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) ngayong buwan na ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials na may “good standing” ay maaari nang mabigyan ng awtomatikong eligibility para makapagtrabaho sa gobyerno.
Batay sa CSC Resolution No. 2500752 na ipinasa noong Hulyo 24, lahat ng halal at itinalagang SK officials na nakatapos ng isang buong tatlong taong termino (o katumbas nito) ay may karapatang tumanggap ng Sangguniang Kabataan Official Eligibility (SKOE).
Ayon sa CSC, ang SKOE ay naaangkop para sa first level positions sa career service, maliban sa mga posisyong nangangailangan ng lisensya mula sa board exams o may espesyal na eligibility.
Saklaw ng SKOE ang mga opisyal na nanungkulan simula sa bisa ng Republic Act No. 11768 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, na naging epektibo noong Hunyo 1, 2022. Kabilang dito ang mga halal na SK officials mula 2018–2022, mga SK members na inihalal ng Katipunan ng Kabataan (KK), at mga itinalagang SK secretaries at treasurers.
Paglilinaw ng CSC hindi kabilang ang SK Chairpersons sa SKOE dahil sila ay saklaw ng Barangay Official Eligibility (BOE).
Hindi rin kwalipikado ang mga SK official na may kamag-anak hanggang second civil degree na kasalukuyang halal na opisyal sa kanilang lokalidad.
ang mga interesadong SK officials ay maaaring maghain ng aplikasyon sa CSC Regional Office na sumasaklaw sa kanilang barangay.










