--Ads--
Dalawang katao ang nasawi sa isang pagsabog na naganap sa isang pagawaan ng paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan.
Isa sa mga biktima ay nagtatrabaho sa naturang pagawaan, habang ang isa naman ay residente sa kalapit na lugar na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan bago bawian ng buhay, bandang bago magtanghali nitong Oktubre 22.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog. Tinitingnan din ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) kung may kaukulang permit ang nasabing pagawaan ng paputok.
Samantala, patuloy namang hinahanap ng mga otoridad ang may-ari ng pagawaan na hindi na matagpuan matapos ang insidente.
--Ads--











