--Ads--

Nararanasan na ang matataas na mga alon sa mga baybayin ng lalawigan ng Batanes na epekto ng bagyong Salome.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lieutenant Junior Grade (LtJG) Jerick Arquisola, Deputy Station Commander ng Coast Guard Station Batanes, sinabi niya na sa kabila ng pagtataas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa kanilang lalawigan kahapon ay naranasan ang makulimlim na panahon na may panaka-naka lamang na mga pag-ulan o ambon.

Patuloy naman ang kanilang koordinasyon sa mga DRRM Offices sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa epekto ng bagyo.

Una nang nagpatupad ang PCG ng no sail policy upang mapagbawalan ang lahat ng mga passenger bancas at mga mangingisda na pumalaot dahil sa masamang lagay ng karagatan.

--Ads--

Tumulong naman ang mga kasapi ng PCG sa paglalagay ng mga tapangko sa bubong ng mga bahay laban sa malalakas na hanging dala ng bagyo.

Tumulong din sila sa pag-angat ng mga bangka ng mga mangingisda mula sa pantalan patungo sa ligtas na lugar upang hindi tangayin ng malalakas na alon.

Nagdeploy din sila ng personnel sa mga designated na evacuation center ng DRRMO bilang augmentation support sa mga kawaning nagmamando sa nasabing mga lugar.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang mga residente na sumunod sa mga abiso ng mga otoridad at laging tiyaking nasa ligtas na lugar kapag naramdaman ang epekto ng bagyo.

Ugaliin ding maghanda ng mga pangangailangan pangunahin ang pagkain at first aid kit upang handa sa pagtama ng bagyo.