--Ads--

Natagpuan na ang bangkay ng mag-asawang senior citizen na natabunan ng gumuhong bahagi ng Bukidnon–Davao City Road sa Sitio Kipolot, Barangay Palacapao, Quezon.

Unang napaulat ang pagkawala ng mag-asawa nang gumuho ang isang bahagi ng kalsada noong gabi ng Oktubre 18, habang sakay ng isang bao-bao.

Ayon sa Municipality of Quezon, Bukidnon, natagpuan ang mga bangkay bandang alas-9:31 ng umaga matapos ang limang araw ng paghahanap. Natunton ang mga ito ng search and rescue dogs ng 10th Infantry Division at tinulungang ilabas gamit ang mga backhoe.

Nauna nang natagpuan ang kanilang sinasakyang bao-bao at mga personal na gamit nitong Linggo, Oktubre 19.

--Ads--

Samantala, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, hindi muna bubuksan ang kalsada dahil sa panganib sa mga residente.

Magtatayo naman ang ahensya ng detour road upang mapanatili ang daloy ng trapiko.