--Ads--

Pagwawaldas lamang ng public funds at pagsasayang ng oras ang gagawing pagdinig ng binuong Independent Commission for Infrastructure para sa isang Political analyst at constoutionalist.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, sinabi niya na sinasayang lamang ng Gobyerno ang pondo sa pagbuo ng ICI na wala namang prosecutorial power.

Aniya, bagamat maganda na magkaroon ng live stream ang gagawing pagdinig gayunman wala paring aasahang resulta ang taumbayan, ito ay dahil ang ICI ay isang Fact finding Body na walang kakayahang mag prosecute kaya naman walang makukulong at wala ring katiyakan na mababawi ang lahat ng ninakaw sa kaban ng bayan.

Para sa kaniya mas nararapat na tutukan ang imbestigasyon ng Ombusdman at Sandiganbayan sa halip na magpa-distract sa imbestigasyon ng ICI.

--Ads--

Kung matatandaan una na ring inanunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na sa buwan ng Nobyermbre ay maglalabas na sila ng Arrest Warrants habang ang Sandiganbayan naman ay nangakong pabibilisin ang paglalabas ng resulta ng imbestigasyon.

Sa katunayan may ilang kahilingan na rin na I-live stream ang pagdinig ng Sandiganbayan para maibsan ang agam-agam ng publiko sa ginagawang proseso ng pamahalaan kaugany sa mga maanomalyang proyekto.