--Ads--

Iginiit ng Alkalde ng Cauayan City na hindi sapat ang kanyang 20% development fund para maisakatuparan ang mga nais nitong proyekto sa lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Caesar Jaycee Dy Jr sinabi niya na P30 milyon lamang mula sa Internal Revenue Allotment o IRA ang develoment fund na binabadyet niya para sa 65 barangays ng Cauayan City.

Aniya hindi ito sapat para maayos ang mga imprastruktura sa lungsod dahil sa mga kalsada na nasira at kawalan ng drainage canals.

Ilan sa development fund ay nakalaan na rin sa pagbabayad ng loan na nagamit para sa pagpapatayo ng Isabela Convention Center o ICON at ng sports complex.

--Ads--

Bagamat hindi niya nabanggit kung magkano ang loan ng lungsod ay sinabi niyang kaunti na lamang ang natira para sa pagpapaayos ng imprastruktura.

Kapag nalaman aniya ng mga residente ang perang kanyang nahahawakan sa pondo ng lungsod ay sigurado siyang pati sila ay magugulat.

Dahil hindi sumasapat ang development fund ay nanawagan ang alkalde sa publiko na huwag magmadali sa pagpapaayos sa mga kalsada bagamat may mga pondo nang inilaan para sa mga lugar sa west tabacal at forest region sa susunod na taon.