--Ads--

Nakarating na si US President Donald Trump sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa ika-47 ASEAN Summit and Related Summits.

Lumapag ang sinakyan nito sa Air Force One sa Bunga Raya Complex sa Kuala Lumpur International Airport, kung saan personal siyang sinalubong ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Sa paliparan pa lamang ay naging masigla na ang inihandang arrival honors para sa Pangulo ng Amerika kung saan napasayaw pa ito sa tugtuging inihanda ng mga lokal.

Ang pagbisita ni Trump ay bahagi ng kanyang Asia tour.

--Ads--

Sa nasabing summit ay nakatakda nitong saksihan ang paglagda ng peace agreement sa pagitan ng Thailand at Cambodia.

Matapos ang ASEAN Summit ay biyaheng South Korea ang Pangulo para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2025.