--Ads--
Nag-crash ang dalawang US Navy Aircraft sa bahagi ng South China Sea sa magkahiwalay na insidente nitong Linggo, Oktubre 26.
Ayon sa US Navy’s Pacific Fleet, unang bumagsak ang MH-60R Sea Hawk helicopter sa naturang karagatan habang nagsasagawa ng routine operations.
Ligtas naman ang tatlong crew nito matapos ang isinagawang search and rescue operation.
Makalipas lamang ang kalahating oras ay sumunod namang nag-crash ang Boeing F/A-18F Super Hornet fighter jet na nagsasagawa rin ng routine operations sa South China Sea.
--Ads--
Nasa maayos namang kalagayan ang dalawang sakay nito.
Ang dalawang aircraft ay kapwa mula sa aircraft carrier USS Nimitz.
Kasalukuyan naman ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi insidente.






