--Ads--
Target ng pamahalaang panlungsod ng Cauayan na mag-install ng mga sensor-based traffic lights sa intersection sa bahagi ng Cabatuan Road sa Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na maliban sa sensor-based traffic lights ay drones na ang magmomonitor sa daloy ng trapiko sa halip na traffic personnel.
Makatutulong aniya ito lalo na kapag mayroong traffic congestion digital na ang monitoring ng kanilang hanay kay mas magiging mabilis ang kanilang pag-responde gamit ang big bike.
Sa lalong madaling panahon ay maaari na itong maipatupad lalo at plantsado naman na ang naturang proyekto.
--Ads--











