Nakapagtala ng bagong record si Mark Justine Africano ng Cauayan City Swimming Team matapos niyang masiguro ang gold medal sa 50-meter free style sa nagpapatuloy na Batang Pinoy 2025 National Championships.
Naitala ni Mark Justine ang panibagong record na 25.20 seconds.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Mark Justine, sinabi niya na labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa panibagong yugto ng kaniyang karea sa larangan ng swimming na bunga ng kaniyang isang taong pagsasanay.
Kung matatandaan nagtapos lamang si Mark Justine sa ika-apat na pwesto sa 50-meter freestyle noong Batang Pinoy 2024 subalit nakasungkit naman siya ng gintong medalya noong 2022 subalit hindi nakapagtala ng record.
Maliban sa freestyle ay nakasiguro rin si Mark Justine ng 8th place sa backstroke at 2nd place para sa butterfly.
Samantala, labis ding natutuwa si Coach Joy Galeno sa unexpected record-breaking performance ni Mark Justine.
Aniya, ang puntirya nila ngayong taon na makakuha ng gintong medalya subalit may bonus pa dahil sa bagong record na naitala ng batang atleta.
Sa ngayon ang Swimming ang kanuna-unahang ginto ng Cauayan City sa Batang Pinoy 2025.
Samantala, matapos ang matagumpay na kampaniya sa Batang Pinot 2025 ay sunod na sasabak si Mark Justine sa Asian Open School Invitational Aquatics Championship at CAVRAA 2026








