--Ads--
Nagland-fall na sa bahagi ng Jamaica ang hurricane Melissa na itinuturing na pinakamalakas na storm sa buong mundo ngayong taon.
Nasa Category 5 ito nang magland-fall sa naturang bansa taglay ang lakas ng hangin na 185 mph.
Sa ngayon ay nasa 7 na ang napaulat na nasawi sa bahagi ng Caribbean dahil sa pananalasa ng naturang Hurricane — 3 sa Jamaica, 3 sa Haiti at 1 sa Dominican Republic.
Aabot naman sa 15,000 Jamaicans ang inilikas habang 530,000 service consumers ang nawalan ng tustos ng kuryente.
--Ads--
Sa ngayon ay bumaba na sa Category 3 ang hurricane Melissa, ayon sa National Hurricane Center subalit mananatili pa rin ito bilang isang “powerful storm” habang papalayo sa bisinidad ng Jamaica at nagbabadyang humagupit sa Cuba, Bahamas, at Bermuda.






