Abala na ang mga nagtitinda at gumagawa ng mga bulaklak boquet sa kanilang paghahanda para sa mga magtutungo sa kanilang shop upang bumili ng mga bulaklak at maging ang kanilang mga pa order.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Robelita Del Rosario, isang florist sa lungsod ng Cauayan, aniya, talagang nagkakaroon na ng puyatan at halos hindi na sila matulog dahil sa paghahanda ng kanilang mga ititindang mga bulaklak at maging pagsasa-ayos ng mga pa order sa kanila.
Sa ngayon, ang pinakamababa na itinitinda sa kanilang shop ay naglalaro sa 200 pesos hanggang pataas at umaabot sa limang libo kada boquet depende sa gagamiting imported na mga bulaklak. Saad pa ni Del Rosario, bukas mararamdaman ang pagdagsa pa ng mga mamimili sa flower shop na kanilang ilalagay sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.











