--Ads--

Handang-handa na ang hanay ng Reina Mercedes, Isabela Police Station para sa papaparating na Undas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Charles Cariño, ang Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niito na naka-deploy na ang kanilang tauhan sa tatlong sementeryo sa nasabing bayan. Aniya, sapat ang kanilang pwersa para tugunan at mamonitor ang mga nasabing lugar na dadagsain ng mga tao ngayong Undas.  

Giit pa ng nasabing opisyal, tinap na rin nila ang mga tulong ng barangay officials nang sa ganoon ay magkaroon pa ng karagdagang pwersa para mamonitor ang mga magtutungo dito.

Minomonitor din ng hanay ng pulisya ang katahimikan na naganap din noong nakaraang Undas. Ayon pa kay PMaj. Cariño, wala namang naitalang ano mang karahasan noong nakaraang taon kaya sinisikap rin nilang makamit sa ngayon.

--Ads--

Isa naman sa gusto nilang ma address pa ay ang pagkakaroon ng congestion ng trapiko sa nasabing lugar dahil ito ang nakikitaan nila ng problema tuwing panahon ng Undas. Magkakaroon sila ng one way scheme sa mga papasukan at lalabasan ng mga sasakyan na magtutungo sa nasabing sementeryo.