--Ads--

May gagawing tatlong kategorya ng traffic ang hanay ng Public Order and Safety Division sa lungsod ng Cauayan. Kasunod ng inaasahang dami ng sasakyan na magtutungo sa mga sementeryo sa lungsod ngayong Undas. Ito ay upang maiwasan ang matinding trapiko na posibleng maranasan sakaling dumagsa ang maraming bilang ng sasakyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pillarito Mallillin, magkakaroon ng re-routing sa mga kalsada nang sa ganoon may ibat ibang pagpipilian ang mga motorista kung saan sila pwedeng dumaan. Titignan din ng hanay ng POSD ang mga parking area kung nasusunod ng mga motorista na nagtutungo sa mga sementeryo ang mga itinalagang parking station. Imomonitor din ang mga sasakyan ng mga papasok sa sementeryo upang masiguro na magtutungo ang mga ito sa mga parking area na itinalaga ng POSD.

Kabilang pa ay ang monitoring sa mga traffic lights sa lungsod partikular sa may boundary, ito rin ang gagawin ng Highway Patrol Group (HPG) na pakikipagtulungan sa hanay ng POSD kung saan imomonitor ang mga dumadaan sa lansangan sa pamamagitan ng monitor through controller at monitor through manual kung saan mga tao ang magmomonitor dito. Matatandaan na gumagana na sa ngayon ang mga streetlights at traffic lights sa barangay San Fermin at may mga nagmamando na mga POSD Officials o minsan ay kahit walang nagmamando.

Dagdag pa ni POSD Chief Pillarito Mallillin, kung sakaling maging mabigat ang daloy ng trapiko kakailanganin nila na ideploy ang kanilang mga tauhan sa mga may traffic lights nang sa ganon sila na mismo ang magmando.

--Ads--