Tuloy-tuloy ang pag-ooperate ng opisina ng Land Transportasyon Office (LTO) sa lungsod ng Cauayan bilang bahagai ng mass distribusyon ng mga plaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO Chief Deo Salud ng LTO Office sa lungsod ng Cauayan ito ay bilang bahagai sa panawagan ng LTO main na idistribute na sa lahat ng mga motorista ang kani-kanilang mga plaka.
Matatandaan na pansamantalang sinuspinde ang panghuhuli ng hanay ng LTO sa mga motorista.Kaya naman kahit holiday sa ngayon at sa sususnod na araw ay mananatiling bukas ang kanilang opisina maging ang pagpunta nila sa lansangan nang sa ganon mamamahagi ng mga plaka.
Nananawagan din ito sa publiko lalong lalo na sa motorista na magtungo na sa kanilang opisina o kaya wag ng tumigil pa sa mga checkpoint na isinasagawa nila dahil hindi naman sila manghuhuli kundi magbibigay lamang sila ng mga plaka.









