--Ads--

Ipinaliwanag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 Director Jesus Elpidio Atal Jr. sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na may pagkakataon ang mga micro at small enterprises na humingi ng exemption sa ipinatupad na minimum wage increase sa rehiyon.

Ayon kay Dir. Atal, ang mga negosyong matinding naapektuhan ng kalamidad, o luging operasyon ay maaaring mag-apply ng wage exemption sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB). Kailangan lamang nilang magsumite ng kaukulang dokumento bilang patunay ng kanilang kahinaang pinansyal.

Dagdag pa ng opisyal, layunin ng polisiya na balansehin ang kapakanan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga employer na makasabay sa taas-sahod.

Pinaalalahanan naman ng DOLE ang mga employer na sundin ang bagong wage order, habang hinihikayat ang mga nais mag-aplay ng exemption na kumonsulta agad sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE upang maiwasan ang paglabag sa batas paggawa.

--Ads--