Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Kalmaegi na may local name na “Tino.”
Huling namataan ang sentro nito sa layong 955km east ng Eastern Visayas taglay ang lakas ng hangin na 85km/h at pagbugsong aabot ng 105km/h habang kumikilos pa-westward sa bilis na 30km kada oras.
Sa ngayon ay nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands.
Ayon sa PAGASA, posibleng maabot ng bagyong Tino ang typhoon category sa susunod na 24 oras kung saan signal No. 4 ang pinakamataas na maaaring ibabala sa isang lugar.
Tinatayang magla-landfall ang bagyo sa Eastern Samar o sa Dinagat Islands bukas, (Nobyembre 3) ng gabi o Martes ng umaga (Nobyembre 4).
Pagkatapos magland-fall ay tatawirin nito ang kalupaan ng Visayas at Northern Palawan bago makarating ng West Philippine Sea ng Miyerkules ng umaga o hapon.











