--Ads--

Mas pinaigting ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang kanilang mga aktibidad na naglalayong mawakasan ang ensurhensiya sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Francis Pattad, Acting Force Commander ng 1st IPMFC, sinabi niya na sa pamamagitan ng kanilang “Project SUBLI” o Sarili mo’y Uusad, Biyayang Laan na aming Igagawad, ay marami silang nahihikayat na mga former rebels na magbalik-loob sa pamahalaan.

Nito lamang taon ay marami silang napasukong supporter’s ng Communist Terrorist Group kung saan nagbibigay rin sila ng impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga nalalabing miyembro ng makakaliwang grupo.

Tiniyak naman ng kanilang hanay na mapapasailalim ang mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), kung saan nabibigyan ang mga ito ng financial at livelihood assistance para makapagsimula muli.

--Ads--

Samantala, kapag naideklara nang insurgency free ay magshi-shift na ang kanilang operasyon sa external threat kaya puspusan ang kanilang paghahanda para rito at sa kasalukuyan ay sapat naman ang kanilang pwersa para rito.

Gayunpaman ay nagsasagawa pa rin sila ng refresher course at seminars para sa mga personnel upang matiyak ang kahandaan ng mga ito na maidepensa ang bansa mula sa panlabas na panganib.