Bahagyang lumakas ang bagyong “TINO” habang ito ay patuloy na kumikilos patungong kanluran patungong Eastern Visayas–Caraga area, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong Lunes ng hapon.
Ayon sa ahensya, ang sentro ng Typhoon TINO ay huling namataan sa layong 170 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakás ng hanging umaabot sa 130 kilometro kada oras malapit sa gitna, at bugso na umaabot sa 160 kilometro kada oras, habang kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas parin ang Tropical cyclone wind signal No. 4 sa Extreme southeastern Eastern Samar (Guiuan), southern Leyte at Southern Leyte, Camotes Islands, northeast Bohol, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.
Signal No. 3 Southern Samar, central Leyte (Ormoc City, Palo, Tanauan, atbp.), malaking bahagi ng Cebu kabilang ang Metro Cebu, Bohol, Guimaras, at eastern Iloilo, Surigao del Norte
Signal No. 2 Southern Masbate, southern Romblon, Cuyo Islands, Central Samar at Eastern Samar, Biliran, Negros, Siquijor, Capiz, Iloilo, Aklan, Antique, Northern Surigao del Sur, Agusan del Norte at Sur, Camiguin
Signal No. 1 Albay, Sorsogon, Quezon (timog bahagi), Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawa, Northern Samar, natitirang bahagi ng Samar at Eastern Samar, Surigao del Sur, Agusan, Misamis Oriental, at hilagang bahagi ng Bukidnon, Misamis Occidental, at Zamboanga del Norte.
Patuloy na kumikilos pa-kanluran ang Bagyong “Tino” at inaasahang magla-landfall ngayong gabi o bukas ng madaling araw (Nobyembre 4) sa paligid ng katimugang bahagi ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, o Dinagat Islands, ayon sa ulat ng PAGASA.
Pagkatapos ng landfall, tatahakin ni Tino ang kabuuan ng Visayas at hilagang Palawan bago ito lumabas sa West Philippine Sea sa Miyerkules ng hapon (Nobyembre 5). Inaasahan namang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng umaga (Nobyembre 6).
Pinapayuhan pa rin ang mga residente sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals na maging alerto sa posibleng malalakas na hangin, pagbaha, at pagguho ng lupa habang nananatiling malakas ang bagyo.











