--Ads--

Isang lalaki ang nasawi matapos ang isang self-accident na kaniyang kinasangkutan sa Barangay District 1, San Manuel, Isabela, kaninang umaga, Nobyembre 3, 2025.

Ayon sa paunang ulat ng San Manuel Municipal Police Station (MPS), dakong alas-6:00 ng umaga, natagpuan ng barangay kagawad na si Crisanto Evangelista ang biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Purok Maligaya ng naturang barangay. Kasama ng biktimang si Daven Lester Cudo, 18-anyos, college student, at residente ng Barangay San Pedro-San Pablo, Aurora, Isabela ang isang itim at dilaw na Yamaha MXI na motorsiklo na may license plate number BA 50509.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng San Manuel MPS at Rescue 888–San Manuel, subalit idineklara ng mga rescuer na wala nang buhay ang biktima pagdating nila sa lugar.

Batay sa inisyál na imbestigasyon, naganap ang insidente habang binabaybay ng biktima ang barangay road patungong national highway.Pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada, ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo at diretsong bumangga sa makitid na kanal ng irigasyon, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

--Ads--