Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad sa England ang grupo ng mga kalalakihang sangkot sa mass stabbing incident sa isang tren.
Kung matatandaan, 10 katao ang nasugatan kung saan 9 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan matapos ang naganap na pananaksak.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Atty. Girlie Gonito, sinabi niya na naging maagap naman ang pagresponde ng mga awtoridad dahil agad na nakatawag ng tulong ang driver ng train subalit nagawa pa ring makatakas ng ilang mga sangkot.
Wala pa namang malinaw na dahilan kung bakit nagawa ng mga ito ang krimen lalo’t halatang planado nila insidente.
Una nang nilinaw ng UK police na hindi act of terrorism ang naganap na stabbing incident.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy kung mayroon bang mga Pilipinong kabilang sa mga biktima.
Ito naman ang unang pagkakataon na mayroong naitalang mass stabbing incident sa England kung saan marami ang lubhang nasugatan.
Dahil dito sa pangyayari ay nakaalerto ang mga uniformed personnel sa naturang lugar upang agad na madakip ang suspek at matiyak na hindi na maulit ang mga ganitong insidente.





