Isang farm sa Southampton, England ang nagbigay-pugay sa yumaong rock legend na si Ozzy Osbourne sa pamamagitan ng paglikha ng dambuhalang mosaic gamit ang mga kalabasa, na nakapagtala pa ng Guinness World Record.
Gumamit ang Sunnyfields Farm ng daan-daang pumpkins at squashes upang mabuo ang imahe ni Osbourne na may kabuuang sukat na 2,281 square feet. Dahil dito, opisyal nilang nakuha ang Guinness World Record para sa titulong “largest cucurbita mosaic.”
Dinaluhan mismo ng asawa ni Ozzy, si Sharon Osbourne, at ng kanilang anak na si Kelly, ang opisyal na pagpapakita ng obra sa publiko.
Ang nasabing pagkilala ay itinuturing na pagdiriwang ng buhay at ambag ni Osbourne, ang lead singer ng Black Sabbath, na pumanaw noong Hulyo 22 sa edad na 76.











