--Ads--
Biniberipika na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang napaulat na isang indibidwal na nasawi sa Bohol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay OCD spokesperson Junie Castillo, “under validation” pa ang naitalang casualty na umano’y nabagsakan ng puno.
Sa ngayon ay wala pang napaulat na missing o nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
Batay sa datos ng OCD, nagsagawa ang kanilang hanay ng pre-emptive evacuations sa 130,000 pamilya o katumbas ng 387,000 indibidwal upang maiwasan ang matinding epekto ng bagyo.
--Ads--
9,000 pamilya sa nabanggit na datos ang kasalukuyang nananatili sa 362 evacuation centers.











