--Ads--

Walang naitalang kaso ng ‘stolen while parked unaattended’ modus ang Highway Patrol Group sa kabuuan ng paggunita ng Undas sa Lalawigan ng Isabela.

Ang naturang modus ay ang pagtangay ng mga kawatan sa mga motorsiklong naka-park sa mga pampublikong lugar habang wala ang may-ari nito.

Una na itong pinaghandaan ng hanay ng HPG matapos ang ilang mga kaso na naitala ng kanilang hanay sa mga nakalipas na taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Renoli Bagayao, ang provincial officer ng HPG Isabela, sinabi niyang generally peaceful ang lalawigan ng Isabela sa nakalipas na paggunit ng Undas.

--Ads--

Aniya, marahil ay hindi nangahas ang mga grupo na gumagawa ng nasabing modus dahil na rin sa dami ng mga awtoridad na nakakalat sa mga sementeryo.

Ikinatuwa rin ni PMaj. Bagayao na negatibo ang buong lalawigan sa mga kaso ng carnapping sa nakalipas na mga araw.