--Ads--

Nanatiling malakas ang bagyong “Tino” habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran at nagbabanta sa hilagang bahagi ng Palawan.

Matatagpuan ang sentro ng bagyo sa karagatang sakop ng Linapacan, Palawan , taglay ang lakás ng hangin na 120 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 165 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Nasa ilalim na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 ang
Hilagang Palawan (El Nido, Taytay, Araceli) kabilang ang Calamian Islands .

Signal No. 3: Hilagang bahagi ng Palawan (Dumaran, San Vicente, Roxas) kabilang ang Cuyo Islands.

--Ads--

Signal No. 2:Puerto Princesa City, Cagayancillo Islands at ilang bahagi ng Mindoro.

Signal No. 1: Nalalabing bahagi ng Mindoro, Romblon, katimugang Palawan (kasama ang Kalayaan Islands), Aklan, Guimaras, Capiz, Antique, at Iloilo.

Sa Forecast track ng bagyo patuloy itong tumatahak sa hilagang bahagi ng Palawan ngayong umaga bago tuluyang lumabas sa West Philippine Sea.

Inaasahan na lalakas pa ang bagyo sa susunod na 12 oras at posibleng maabot ang pinakamataas nitong lakas habang nasa dagat. Maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Tino ngayong gabi o sa madaling-araw ng Nobyembre 6.

Babala ng PAGASA, maaaring maranasan pa rin ang malalakas na ulan, matinding hangin, at storm surge sa mga lugar na nasa labas ng tinamaan ng bagyo at ng forecast cone. Pinayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na manatiling mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.

Samantala, Ang isa pang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na namataan sa layong 1,830 kilometro silangan ng Southern Mindanao.

Taglay nito ang lakás ng hangin na 55 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na umaabot sa 70 km/h, habang kumikilos pa-timog timog-silangan sa bilis na 20 km/h.

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang naturang sama ng panahon dahil maaari itong magbago ng direksiyon o lumakas sa mga susunod na araw. Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.