--Ads--

Epektibo na ang 500 pesos minimum wage sa buong lambak ng Cagayan para sa non-agriculture at agriculture sector.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay RD Elpidio Atal ng DOLE Region 2, sinabi niya na mula ngayong araw ay epektibo na ang 500 pesos minimum wage para sa mga non-agriculture, agriculture at mga kasambahay matapos na maaprubahan ang 20 pesos wage increase para sa Region 2.

Nilinaw naman niya na bagamat epektibo na ang bagong mionimum wage ay may exemption para sa mga negosyong naapektuhan ng bagyo sa Cagayan at mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity sa loob ng anim na buwan gayunman kailangan silang mag file ng application for exemption sa RTWPB hanggang buwan ng Disyembre.

Maliban dito exempted din ang Bambi business basta may certification mula sa Municipal Treasurer na sila ay exempted.

--Ads--

Ang mga negosyong hindi kabilang sa mga exempted na lalabag o hindi magbibigay ng tamang kompensasyon sa mamngagawa ay maaaring ireklamo sa DOLE Regional Office para maisagawa ang isang inspection.

Maaari ring dumulog sa Cena para doon ipatawag at pagpaliwanagin ang employer.

Ang employer na isinailalim sa inspection sila ay binibigyan ng 20 days na palugit para tumalima sa finding ng labor inspector at kung mabibigo ay saka sasampahan ng kaso dahil sa non-payment of minimum wage bago magsagawa ng hearing.

Kung ang employer ay hindi dadalo sa hearing saka maglalabas ng Writ of Execution ang Regional Director.

Ipinaliwanag din niya na ang 20 pesos minimum wage sa non-agriculture at 40 pesos para sa agrioculture sector ay alinsunod sa econoci indicators na pinagbotohan ng iba’t ibang sector.

Maliban dito ay increase na rin sa sahod ng mga kasambahay sa buong rehiyon.