--Ads--

Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC ) Naguilian ang pagsasagawa ngayong araw, ika-anim ng Nobyembre ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa nasabing bayan.

Ito ay bahagi ng direktiba ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na regular na pagsasagawa ng aktibidad upang maihanda ang bawat isa sakaling magakaroon ng lindol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Head Chu Bigornia ng MDRRMO Nagulian, Isabela aniya, kung sa mga nakalipas na drill ay sila ang unang nagsasagawa nito ngayon aniya oobserbahan lamang nila ang mga empleyado at estudyante kung gagawin nila ang drill.

Ito ang unang pagkakataon na gagawin ang estratehiya at umaasa siya na isasagawa ng empleyado, lokal na pamahalaan at maging mga estudyante ang duck, cover and hold technique.

--Ads--

Aniya, ikakalat rin nila ang mga personnel ng MDRRMO sa mga eskwelahan upang mag-obserba sa pagsasagawa ng National Earthquake Drill. Layunin ng opisyal sa estratehiyang ito na makita ang natural na pagtugon ng mga mamamayan sakali man magkaroon ng lindol.

Giit pa ng opisyal bagaman walang nakakaalam kung kailan magkakaroon nito, ang drill ay nakakatulong upang masanay ang mamamayan sakaling magkaroon ng lindol.