--Ads--

Nagsagawa na ng pruning o paglilinis at pagpuputol ng mga sanga ng punong-kahoy ang MDRRM Palanan, katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan, bilang paghahanda sa paparating na Bagyong Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant LDRRM Officer John Bert Neri ng MDRRMO Palanan, sinabi niya na:

Sa katunayan, pinangunahan ng LGU Palanan at DRRM Council ang kanilang Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA kung saan natalakay ang mga gagawing paghahanda, re-packaging, at pre-positioning ng mga relief goods sa mga barangay na inaasahang maapektuhan.

May ibinaba na ring executive order para sa kanselasyon ng klase sa anumang antas, pribado man o pampubliko, upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at matiyak na kasama nila ang kanilang mga pamilya pagdating ng bagyo.

--Ads--

Sa ngayon, naka-red alert na ang bawat BDRRM ng mga barangay, partikular sa apat na coastal barangay, dahil sa banta ng storm surge.

Nakahanda na rin ng PCG para naman bigyan ng paalala ang mga mangingisda at iba pang sasakyang pandagat.

Naka-monitor din sila sa upstream dahil sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa, kaya naman tinitiyak nila na ligtas ang mga bahay na kanilang lilikasan.

Upang matugunan ang bahagyang kakulangan sa evacuation center, bumuo ng Memorandum of Agreement ang barangay sa mga may-ari ng konkreto at matitibay na bahay upang magsilbing pansamantalang evacuation center.