--Ads--

Mas lumakas pa ang Bagyong Uwan at naabot na ang typhoon category matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 985 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 160 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras.

Sa kasalukuyan, nakasailalim na sa tropical cyclone wind signal no. 2 ang Catanduanes, eastern and central portions ng Northern Samar, northeastern portion ng Samar at northern portion of Eastern Samar.

--Ads--

Signal no. 1 naman ang Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate maging ang Ticao Island at Burias Islands, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro maging ang Lubang Islands, and Calamian Islands

Signal no. 1 din ang natitirang bahagi ng Northern Samar, natitirang bahagi ng Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Bohol, northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, northern portion ng Negros Occidental, northern at central portions ng Iloilo, Capiz, Aklan at northern and central portions ng Antique kabilang Caluya Islands, Dinagat Islands at Surigao del Norte.

Ang bagyong UWAN ay patuloy na lumalakas at inaasahang magiging super typhoon ngayong gabi o bukas ng umaga. Ayon sa ulat ng PAGASA, kikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran hanggang Lunes, Nobyembre 10, bago ito lumiko pa-hilagang-kanluran sa Martes, Nobyembre 11.

Batay sa kasalukuyang forecast, maaaring mag-landfall ang sentro ng bagyong UWAN sa pagitan ng timog na bahagi ng Isabela at hilagang bahagi ng Aurora sa Linggo ng gabi, Nobyembre 9, o sa madaling araw ng Lunes. Pagkatapos tumama sa lupa, tatawirin ng bagyo ang kabundukan ng Hilagang Luzon bago ito lumabas sa West Philippine Sea pagsapit ng Lunes ng umaga o hapon.

Inaasahang lalakas pa nang husto ang UWAN bago ito tumama sa kalupaan, at posibleng mag-landfall habang nasa pinakamataas na antas ng lakas nito. Kapag dumaan ito sa mga kabundukan, bahagya itong hihina, ngunit mananatili pa rin bilang isang ganap na bagyo habang nasa West Philippine Sea.

Babala ng PAGASA, posible pa ring maranasan ang malakas na ulan, matitinding hangin, at storm surge kahit sa mga lugar na wala sa mismong track ng bagyo. Dahil dito, pinaaalalahanan ang publiko na patuloy na magbantay sa mga abiso ng PAGASA, at maging handa sa pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang at bulubunduking lugar sa Hilagang Luzon.