--Ads--
Nakatutok ang Public Order and Safety Division (POSD) ng Cauayan City sa posibleng pagpapasara ng mga bar at pagbabawal ng alak bilang paghahanda sa Bagyong Uwan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, pinaalalahanan niya ang mga bar owners na maaaring isara ang mga establisimyento kapag lumala ang panahon.
Pinaalalahanan din ng POSD na bawal magbenta ng alak tuwing may bagyo, at ang lalabag ay papatawan ng ₱2,000 multa o tatlong buwang pagkakakulong.
Nagpatawag na rin ng emergency meeting ang lokal na pamahalaan upang pag-usapan ang deployment at iba pang paghahanda bago maramdaman ang epekto ng bagyo.
--Ads--











