--Ads--

Epektibo na ang no sail policy sa mga baybaying nasasakupan ng Hilagang Luzon dahil inaasahang epekto ng bagyong Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ens. Dionisio Mahilum Jr., tagapagsalita ng coast guard district northeastern Luzon, sinabi niya na dahil sa ipinagbabawal na ang paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat ay na-stranded sa bahagi ng San Vicente port, Santa Ana, Cagayan ang dalawang fishing vessel.

Gayunman ay inaabisuhan pa rin nila ang mga mangngisdang standed na bagama’t naka angkla ang kanilang mga bangka sa pantalan ay mas mainam na mag-evacuate pa rin ang mga ito upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.

Matatandaan na sa pananalasa ng super typhoon Nando sa lalawigan ng Cagayan ay ilang mga mangigisda ang napaulat na nasawi matapos tumaob ang kanilang bangkang pangisda habang naka-angkla sa naturang pantalan.

--Ads--

Sa ngayon ay mayroong karagdagang 151 personnel na idineploy sa northeastern Luzon upang tumulong sa pag-asiste sa pangangailangan ng mga residenteng maapaketuhan ng bagyo pangunahin na sa bahagi ng Aurora at Isabela.

Ayon kay Ens. Mahilum, wala pa namang napaulat na mga residente sa kanilang nasasakupan ang nag-evacuate na sa ngayon subalit tiniyak niya na nakahanda ang kanilang hanay na tumulong sa mga residente sa paglikas.