--Ads--

Naka-full alert na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Region 2 bilang paghahanda sa paparating na Bagyong Uwan sa Northern Luzon.

Ayon kay Fire Superintendent Conrad Ian Casayuran, inilabas na ang Memorandum Order na naglalagay sa lahat ng istasyon at personnel sa Full Alert Status, at na-recall na ang lahat ng naka-off duty na bumbero bilang karagdagang puwersa.

Nagsagawa rin ng inspeksyon sa kagamitan sa lahat ng istasyon; bagama’t may ilang kakulangan sa gamit at personnel, nakahanda ang ibang istasyon at katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon.

Handa na rin ang lahat ng sasakyan at kagamitan, kabilang ang Patient Transport Vehicles at Special Rescue Force, para sa agarang tugon sa landslide at iba pang emergency.

--Ads--

Samantala, inihayag naman ni Fire Inspector (FInsp.) Len Malupeng na nakahanda na ang lahat ng logistical equipment ng BFP Burgos sakaling kailanganin.

Aktibo rin silang nakikipag-ugnayan sa MDRRM Burgos, kasama ang iba pang ahensya gaya ng PNP, bilang bahagi ng kanilang koordinasyon at paghahanda.