--Ads--

Nakaranas ng power blackout ang sampung mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Isabela dahil sa pananalasa ng bagyong Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Exiquiel Quilang, Information Officer ng PDRRMC Isabela sinabi niya na dahil sa malakas na hangin ay naranasan ang blackout sa ilang bayan sa Isabela habang nasa pitong bayan naman ang nakaranas ng power outage.

Ilang feeder at drop wires ang nag-trip na nagdulot ng pagkawala ng tustos ng kuryente.

Tiniyak naman niya na 24/7 ang operasyon ng mga linemen ng ISELCO 1 at ISELCO 2 upang maikutan ang kanilang area of operation at maayos ang mga linya ng kuryente sa kabila ng malakas na hangin at ulang dala ng bagyo.

--Ads--

Humingi naman siya ng paumanhin sa mga mamamayang nawalan ng tustos ng kuryente at tiniyak na nagpapatuloy ang kanilang pagsasaayos sa pasilidad.

Samantala ang pitong overflow bridges sa lalawigan na pangunahing binabantayan ay hindi na rin madaanan sa ngayon dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog.