--Ads--

Patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City sa mga napinsala ng bagyong Uwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. Sinabi niya na humihingi na rin siya ng tulong kay House Speaker Bojie Dy para sa pagpapagawa ng mga school classrooms.

Nakikipag-ugnayan din sila sa ISELCO para sa power restoration kung saan naibalik na ang tustos ng kuryente sa bahagi ng main road at posibleng simulan na rin ang linya ng kuryente sa East at West Tabacal Region.

Ayon kay Mayor Dy may mga nasirang classrooms sa East at West Tabacal Region kaya nakikipag-ugnayan na siya kay House Speaker Dy para sa pondo sa pagpapaayos sa mga nasirang classrooms.

--Ads--

Patuloy din aniya ang pagsasaayos sa mga family food packs na dineliver ng DSWD para sa pamamahagi sa East Tabacal Region na halos lahat ng barangay ay binabaha.

Dito aniya dadalhin ang karamihan sa mga ipinadalang relief goods dahil sa dami ng barangay na apektado ng pagbaha.

Pinayuhan naman niya ang mga residenteng binabaha sa lungsod na maging maingat at sumunod sa mga rescuers para sa paglikas upang makaiwas sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari.