--Ads--

Generally peaceful ang bayan ng Alicia sa lalawigan ng Isabela, ayon sa Alicia Police Station.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Samson Canceran, Deputy Chief of Police ng Alicia Police Station, sinabi niya na kadalasan ay vehicular accidents lamang ang naitatala sa kanilang nasasakupan dahil na rin sa haba ng national highway at pagkakaroon ng mga bypass road kung saan madalas maitala ang mga aksidente sa daan.

Aniya, maliban sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko at pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga motorista, nakikipag-ugnayan din ang kanilang hanay sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa karagdagang mga barikada o road signages kung kinakailangan, lalo na sa mga accident-prone areas.

Tuloy-tuloy din aniya ang 24/7 na checkpoints na kanilang isinasagawa, at kung minsan ay nagsasagawa rin sila ng mga random checkpoints para sa pagpapatupad ng mga city ordinances na may kaugnayan sa mga patakaran sa kalsada.

--Ads--

Ayon kay PCapt. Samson Canceran, mas pinaigting ng PNP Alicia ang kanilang kampanya kontra iligal na droga kung saan, sa 34 na barangay, 31 ang drug-cleared na.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang kanilang hakbang upang tuluyang mawakasan ang kalakalan ng iligal na droga sa naturang bayan.

Katuwang nila rito ang mga opisyal ng barangay pagdating sa monitoring dahil sila ang mas nakakaalam sa galaw ng kanilang mga kabarangay.

Samantala, nagpadala naman sila ng walong PNP personnel sa Maynila bilang karagdagang Civil Disturbance Management (CDM) contingent na tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa isinasagawang rally ng Iglesia ni Cristo.