--Ads--

Tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring ng City Assessors Office sa tax assessment sa mga real estate at sa iba pang mga classified properties sa lungsod.

Sa tala ng opisina, nito lamang 2024 ay mahigit 3,000 taxable real property units na ang naitala nila sa lungsod. Habang sa huling tatlong quarter ngayong  taon ay nasa 1,529 taxable real properties ang naitala naman ng opisina. Nagresulta ito ng 7,108, 000 real property tax collectible para sa lungsod.

Ayon sa City Assessor Head Brenda Garcia, tinitiyak ng kanilang opisina na maayus at malinis ang kanilang ginagawang assessment sa bawat real property. Sa kabuuan, mahigit 70,000 na mga taxable real property unit ang naitala ng opisina sa lungsod ng Cauayan.

Samantala, binida rin ng opisina ang iba’t-iba nilang pamamaraan na kanilang ginagawa gaya na lamang ng regular na pagbisita sa mga real property units nang sa ganoon ay mamonitor kung may mga bagong bouding o kaya naman kung maayus pa  na gumagana ang mga ito.

--Ads--