--Ads--

Isinagawa ngayong araw sa lungsod ng Cauayan ang Rural Improvement Club Achievement Day at provincial recognition.

Layon nitong bigyang pagkilala ang mga kababaihan na bahagi ng grupo sa kanilang kontribusyon sa sektor ng agrikultura.

Ang programa ay taunang isinasagawa ng Provincial Agriculture Office sa ibat ibang mga bayan. Ngayong taon ay idinaraos ito ngayon sa lungsod ng Cauayan partikular sa FL Dy coliseum.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Evangiline Dannub, Supervising Agriculturist ng Provincial Agriculture Office, ang aktibidad ay paraan upang magtipontipon ang mga RIC sa lalawigan at mabigyan ng pagkakataon ang bawat bayan na ipakita ang kanilang mga produkto.

--Ads--

Aniya, kabilang sa higlights ng event ay ang pagtatampok sa mga ipinagmamalaking produkto ng bawat RIC sa mga bayan.

Dagdga pa nito, malaking bagay din ang suporta na ipianpakita ng Provincial Government of Isabela upang maisagawa ang programa.

Bukod tangi aniya ang Isabela sa buong lambak na gumagawa ng ganitong event kaya naman laking pasasalamat nito sa mga namumuno sa ipi apakitang suporta.