--Ads--

Walang paggalaw o pagbago sa presyo ng itinitindang isda partikular sa tilapia sa merkado kahit pa nagkakaroon ng bahagyang kakulangan sa suplay sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Virgie Tagaca, isa sa mga nagtitinda ng isda, sinabi niyang bahagyang nagkukulang sa ngayon ang suplay ng tilapia sa palengke dahil sa mga kalamidad na naranasan noong nakaraan kaya nagkakaroon ng problema mula sa pinanggagalingan ng suplay sa Isabela.

Giit ng Ginang, inaasahan naman nila ang ganitong problema lalo sa mga huling quarter ng taon. Sa ngayon isa sa tinitignan ng mga mamamayan ay ang bahagyang pagtaas ng presyo ng kanilang paninda sa pagpasok ng Disyembre.

Sa ngayon, nananatiling nasa 150-160 pesos ang kada kilo ng tilapia, kung tutuusin ayon sa mga nagtitinda ay sampung piso lamang ang bahagyang tinaas nito simula pa noong 3rd quarter ng kasalukuyang taon.

Nananawagan naman ang mga nagtitinda sa lahat ng mga nagsusupplay na kung maaari ay mabigyan ang lahat dahil ang nangyayari mayroong mga tindera ang kakaunti lang ang naibibigay na suplay.