--Ads--

Inabisuhan ni Sen. Imee Marcos ang lahat ng alkalde na miyembro ng LMP – Ilocos Norte Chapter hinggil sa isang emergency meeting.

Batay sa social media post ng sendora , gaganapin ang mahalagang pagtitipon sa Bacarra Municipal Hall bukas, Nobyembre 19, 2025 ng alas 3 ng hapon.

Ipinagbabawal rin ang proxies o kinatawan ng mga alkalde sa mahalagang pulong.

Hindi naman tinukoy sa abiso kung ano ang mahalagang bagay na tatalakayin.

--Ads--


Maaalalang kahapon lamang sa ginawang pagtitipon ng INC sa Quirino Grandstand ay mabigat na mga paratang ang ibinunyag ng senadora laban sa kanyang kapatid na si PBBM.