--Ads--

Sugatan ang isang lalaki matapos magbanggaan ang isang motorsiklo at SUV kaninang alas-3 ng hapon sa National Highway, Purok 2, Barangay Alinam, Cauayan City.

Kinilala ang biktima na si Florencio Galvez, tsuper ng NMax motorcycle. Ang suspek naman ay si alyas “Mar”, 74-anyos, magsasaka, residente ng Palattao, Naguillian, Isabela, at tsuper ng Toyota Fortuner.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, magkasalungat ang direksyong tinatahak ng dalawang sasakyan—patungong Alicia, Isabela ang motorsiklo habang patungong Cauayan Proper naman ang SUV. Nang makarating sa lugar ng insidente, umagaw ng linya ang SUV na nagresulta sa head-on collision.

Dahil sa lakas ng salpukan, nagtamo ng malubhang sugat si Galvez sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad siyang nilapatan ng paunang lunas ng Rescue 922 bago dinala sa isang pribadong pagamutan.

--Ads--

Nagtamo rin ng pinsala ang parehong sasakyan na sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang halaga. Batay sa ulat ng pulisya, tinangka pang tumakas ng suspek ngunit naharang ng mga awtoridad sa Barangay Nungnungan 2, Cauayan City.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ang kasong paglabag sa Article 275 ng Revised Penal Code at Reckless Imprudence Resulting in Physical Injuries and Damage to Property laban sa suspek.