--Ads--
Arestado ang isang lalaking umano’y sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Purok 4, Brgy. Naggasican, Santiago City. Kinilala ang suspek na si alyas “Than”, 43-anyos, may asawa, fruit vendor, at residente ng Brgy. Sagana, Santiago City.
Sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng SAID-Police Station 4, katuwang ang City Intelligence Unit (CIU), SCPO, at PDEA QPO RO2, nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 1.4 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱9,520 at isang keypad cellular phone.
Natukoy na kabilang ang suspek sa listahan ng Street Level Individual (SLI) at ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.











