--Ads--

Iniulat ng Reina Mercedes Police Station ang bumababang kaso ng vehicular accident at crime incident sa kanilang nasasakupan sa isinagawang Municipal Peace and Order and Anti Drug Abuse Council Meeting sa Reina Mercedes, Isabela.

Ang naturang pagpupulong ay bahagi ng quarterly meeting ng ahensya upang i-ulat ang peace and order sa kanilang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan PMaj. Charles Cariño, Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, sinabi niya na nitong huling quarter ng taon ay mayroong pagbaba sa kaso ng vehicular accidents sa kanilang nasasakupan.

Bumaba rin umano ang kaso ng mga crime incidents batay sa kanilang datos.

--Ads--

Ayon kay PMaj. Cariño, resulta ito ng patuloy na pagsasagawa ng mga kapulisan sa Reina Mercedes ng maximum visibility sa mga lansangan.