--Ads--

Pinabulaanan ng Malacañang nitong Huwebes ang mga haka-haka na pinaplano umano ng administrasyon ang pagpapalit kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III bilang pinuno ng Mababang Kapulungan.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, hindi nakikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa internal na usapin ng Kongreso at wala sa Pangulo ang kapangyarihang pumili ng liderato ng Kamara. Aniya, desisyon ng mga miyembro ng House of Representatives kung paano nila patatakbuhin ang kanilang hanay.

Lumutang ang usapin hinggil sa posibleng pagpapalit kay Dy matapos umanong maghanap ang ilang kaalyado ng Pangulo ng mas matibay na lider sa gitna ng nakaambang reklamong impeachment laban kay Marcos Jr.

Samantala, itinanggi ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno na sinasabing isa sa maaaring pumalit na may nagaganap na pagbabago sa liderato, at iginiit na nananatili ang kanyang suporta kay Speaker Dy.

--Ads--