--Ads--

Binulabog ng bomb threat ang sana ay normal na araw lamang sa Bayan ng Aglipay, Quirino.

Ito ay matapos na kumalat ang isang post sa hindi kilalang FB na may Screen Name na “Spark Trinity” na nagsasabing may itinanim na bomba sa ilang paaralan at establisyimento dito sa bayan ng Aglipay.


Ang kapulisan ng Aglipay Police Station, Quirino Head Quarters, katuwang ang Quirino Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit at 1st QPMFC ay agad na nagsagawa ng koordinasyon sa nasabing paaralan at establisyimento.


Matapos ang masusing pagsisiyasat , kinumpirma ng mga awtoridad na ang banta ay hindi totoo at walang natagpuang anumang uri ng mapanganib na aparato.

--Ads--


Muling pinapaalalahanan ang publiko na umiwas sa pag post at pagbabahagi ng hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang pag papanic.


Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ang malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon o ang kusang-loob na paggawa ng anumang banta tungkol sa mga bomba, pampasabog o anumang katulad na aparato ay labag sa batas at sinumang lumabag sa batas na ito ay maaring maharap sa pagkabilanggo ng hindi hihigit sa 5 taon o multa na hindi hihigit sa Php 40, 000.00.